Monday, September 27, 2010

ONDOY NO MORE

Sabi ko kay Ryan, isusulat ko ang blogpost na ito sa Tagalog, para maexpress ko nang mabuti ang nararamdaman ko, haha. 

Ondoy No More Fun Run
September 25, 2010
Thunderbird Resorts, Binangonan, Rizal
Present: Me, Ryan, Jeff, Roy, Arjay and friend

Maaga palang, nasa site na kami. Ang dilim at ang lamig, parang Tagaytay. 6:30 am pa ang gunstart.. sabi ni manong countdown nalang daw kasi gun ban. Hmm, applicable pala yun. Teka, gusto ko lang iquote si manong with the megaphone for reminding the runners "Listen to your body, kung may hindi magandang nararamdaman, hindi naman nakakahiyang huminto." Dapat siguro nating tandaan ito parati.:)

Ito na ang review proper: Unang sabak palang uphill na, waaaaah! Unang kilometer palang nananakit na ang mga binti ko, nanunuyo na agad ang lalamunan ko. Parang gusto ko nang bumalik sa starting line, naisip ko hindi naman nakakahiyang ma-DNF kaysa mangisay ako sa gitna ng mga kabundukang ito. Hmm pero ang daming tao at hindi ko alam pabalik kaya pnagpatuloy ko na rin. Sobrang steep ng road, 45 degrees ata yun. Hindi niyo naman sinabi, ang daan palang papuntang hell ay pataas!

5k din ang tinakbo ng Mayor ng Binangonan, in fairness nandaya siya, umikot sa hindi dapat  ikutan. Bitter much? haha. 

500 meters before the finish line, napagtripan pa ako ng mga marshalls, pagandahan nalang daw... It's a euphemism for.. Miss, ambagal mo naman. Hmp! Sa wakas, nakarating din ako sa finish line, ng humihinga. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako uulit sa Binangonan, literal na umiyak ako sa finish line.. sumakit ng sobra ang tahi ko. Para sa mga hindi pa nakaka-alam, isang taon palang kasi akong nakakapanganak via cesarean section.Wala ding lootbag o freebies, parusa lang at magandang view ang napala ko. Ok na rin, I charge it to experience.

As usual, pictures! (makikita niyo sa background ng pics ang itsura ng mga dinaanan namin. bundok, as in)
Smell of Success, hahahha
Me and Rai, pakitingin ang bundok sa background, diyan kami galing :)
Kami lang :)
Bruskong brusko. LOL

No comments:

Search